Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

NAKAPAGBABAGONG SALITA

Nais ni Kristin na regaluhan ng aklat ang kanyang asawang si Xio-Hu. Ngunit Biblia lamang ang nakita niyang nakasulat sa wikang Tsino. Hindi sila naniniwala kay Cristo, pero binili pa rin ito ni Kristin. Nagalit ang asawa niya nang makita ang Biblia. Ngunit kinalaunan, binasa rin naman ito ni Xio-Hu. Sa kanyang pagbabasa, napaniwala si Xio-Hu sa mga katotohanang nakasulat…

MANGGAGAWA NG DIOS

Nakatanggap si Reza ng isang Biblia sa isang kampo ng mga refugee, kung saan sumisilong ang mga biktima ng digmaan. Doon niya nakilala at pinagtiwalaan si Jesus. Ang una niyang dalangin sa Dios ay, “Gamitin Mo po ako bilang Iyong lingkod.” Makalipas ang ilang panahon matapos siyang makaalis sa kampo, sinagot ng Dios ang kanyang panalangin. Hindi ito inaasahan ni…

ISANG BAGAY NA KAILANGAN

Nanguna ako sa isang retreat. Naging tema namin sina Maria at Marta—mga kapatid ni Lazarus na minahal ni Jesus (JUAN 11:5). Nasa malayong lugar kami noon, malapit sa baybaying dagat. Dahil sa lakas ng niyebe, hindi kami makauwi. Sabi ng ilang kalahok, puwede naming gamitin ang karagdagang araw para magsanay umupo sa paanan ni Jesus tulad ni Maria. Gusto rin…

HINDI MAWAWALAN NG SAYSAY

“Gaya ng bulag na nakakita sa Biblia, ‘Dati akong bulag, pero nakakakita na ako ngayon.’” Iyan ang sinabi ni Dieynaba matapos niyang matutong magbasa. Dagdag pa niya,

“Ngayon, nauunawaan ko na ang ginawa ni Jesus para sa akin, pati na rin ang mga utos Niya.” Ayon sa pastor nila, maganda raw na natutong magbasa ang mga miyembro ng simbahan nila.…

DIOS NG MGA SORPRESA

Natatandaan ko pa ang panalangin ng pagtatalagang ginawa namin. Libu-libong estudyante kami noon sa isang convention center. Nang patayuin ang mga handang mag- misyon sa ibang bansa, naramdaman kong tumayo ang kaibigan kong si Lynette. Pero hindi ako tumayo. Hindi ko kasi nadamang tinatawag ako ng Dios sa ganoong misyon. Hayag kasi sa akin ang kalagayan ng bansa ko, at…